Shinigami, Cjoyz, Leon… Ako lahat yan… Kung sino talaga ako yan ang di ko din alam. Kung minsan isa akong pink na alien na gumagala sa mga blog ng mga tao. Kung minsan isa lamang akong simpleng taong tulala na may bitbit ng SOLA or BIG GULP sa kalsada ng Emerald at Ruby. Pero madalas akong nakaupo sa harapan ng monitor ng PC habang nanunuod ng umaandar na macro (left, right, left, right) sa PC at nagsusulat ng blog. Maingay akong estudyante, tahimik akong empleyado. Nalilibang ako sa pagbabasa ng mga nakapaskil sa mga tindahan, bus, jeep, at sa pader. Naaliw ako sa mga taong may kakaibang trip sa buhay, dahil isa akong boring na tao. Diamond Ring ang tingin ko sa lahat ng tao, may genuine, may gawa sa puwet ng baso. Idol ko si Juan Tamad, pag di na updated ang blog ko, malamang tinatamad na ko. At para mabalik ang sipag ko sa pagsusulat, kailangan ko ng lakas galing sa tsokolate habang nagbabasa ng libro. Takot ako sa madilim at tahimik na lugar, Ingay ng musika ang nakakapag – panatag ng utak ko. Kape ang dumadaloy sa aking ugat, kaya kung manghihingi ka ng blood donation, ipagpatawad mo, di kita mapagbibigyan. Basta isa lang ang masasabi ko, ako ay isang harmless na nilalang, promise! Peksaman, gulaman, kandado susi…

Welcome to my jungle, pasyal ka lang, no one will harm you in my sphere.


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s




Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 781 other followers