11
Nov
10

Mental Torture Ride (Part II)

Isang umagang muli ng pag-iisa
Walang mayakap at makasama
Pusong pilit na sinugatan
Landas kong karaniwan

-Pag-agos by Up Dharma Down-

Malumanay na naglalakad patungo sa aking kamalayan, ng biglang may tumigil na isang estranghero sa daan, nagmagandang loob na ako ay tulungan, isakay, iangkas at ihatid sa aking patutunguhan. Bakit may lungkot sa mata ng butihing taong nagpasakay sa akin… nagkwentuhan, nagtawanan habang tinatahak ng malumanay ang kunkretong daan. Malayo layo na ang ating binyahe, hindi ka ba napapagod? Tigil muna tayo, maganda ang tanawin, langhapin natin ang sariwang hangin…

Matiwasay ang paglalakbay ngaun kumpara sa huling nasakyan… malumanay, tahimik, dahan dahan…. pagmamaneho biglang bumilis, kumaripas, nagmamadali ka ba? Saan tayo pupunta, may patutunguhan ba tayo? Teka lang, kakapit lang ako, baka mahulog ako at walang sumalo. Ano ba nangyari at biglang takbo mo ay bumilis? Tayo ba ay may hinahabol? O ika’y nagmamadali ng sa aking kamalayan ay maihatid?

Ngumingiti ka na, natutuwa ka na ba? Problema mo ba ay limot mo na? kung ang pagkaripas ng sasakyan ang iyong ikasasaya, dalian pa natin, ikabig pa ang kambyo at apakan ang silinyador ng iyong auto… pag dating sa pakurbang daan, bakit ika’y biglang pumreno? At bakit tila aandap andap ang ating takbo. Kailangan ko na bang bumaba sa iyong sasakyan ng ika’y tuluyan ng makausad? Ngunit sa bawat pagtangkang paglabas ng sasakyan ika’y umaandar, hindi ka na nagsasalita, ako ba ay may nagawa?

Gustuhin man bumaba, sasakyan mo ay biglang pinapaandar… kaya ko naman mag isa, hayaan mo na ko maglakad… mukhang ang iyong pupuntahan ay malayo sa aking daraanan sige na at mauuna na ako sa iyo, para mapagpatuloy mo ang paglalakbay mo. Salamat at isang estrangherong tulad ko ay iyong pinaangkas, nde mo man kilala pero iyong pinasayang tunay. Mag ingat ka na lamang kaibigan, kung sasakyan ay magkakaproblema ako ay iyong tawagan, baka sakali sa kalsadang iyong tinatahak ako ay muling mapadaan.

Buong araw ng pag-agos
Kailan ang huling unos
Di alam kung tatakbo
O kusang lalayo sa’yo

Malayo man, malapit din
Ayos lang, agos lang


0 Responses to “Mental Torture Ride (Part II)”



  1. Leave a Comment

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.