Mula ng mag kaisip ay aking ini-isip
Kung ba’t ang nangyayari di ko lubos maisip
Hindi ko malaman kung ito ay panaginip
Gisingin nyo ako sino ang sasagip
-Biyaheng Impyerno by Siakol-
Sa una masarap at masaya, habang tumatagal sa biyahe ako ay nahihilo na at nasusuka. Ganito talaga siguro ang byaheng impyernong sinakyan ko. Tagayan mo pa ko ng alak para hilo ay lalong lumala. Espirito ng pagkalango sa aking katauhan ay unti unti ng bumabalot. Tigil, para, kahit sandali lang, isusuka ko lang ang asidong humihilab sa aking sikmura na pilit dumadaloy sa aking lalamunan para bumulalas.
Tumatama na sa utak ko ang amats, nahihilo na ko, gawa ba ito ng alkohol o sadyang nakakahilong maki ankas sa iyo? Dumaan sa matalahib na lugar at lubak lubak na kalsada, hilo at sakit ng ulo ay lalong lumala. Tinuloy mo pa sa isang madilim na iskinita hika ko ay umatake na.
Paghinga ko ay unti unti ng hirap, hindi mo pa ba ititigil ang pagkabig sa kambyo mo at pag apak sa iyong silinyador? Gasolina mo ba ay sapat pa para sa tamang kamalayan ako ay ihatid pa? katahimikan ang sinagot mo at tumuloy ka sa iyong pagmamaneho. Tinitigan mo lang ako habang ang utak ko ay nagtatanong. Sino ba ang tunay na naka inom, ikaw ba o ako? Utak ko ngaun ay di mawaring litong lito, san titigil at hihinto ang biyaheng ito hindi ko mapagtanto.
Bilis mo ay lagpas na sa tinakda, mga kinauukulan ay nasa likod na. tumigil ka na! ikaw na lang mag isa kung gusto mo, maglalakad na lang ako kahit ilang kilometro!!! Sangang daan atin tinigilan, san magpapatuloy nde alam. Teka lang pagkakataon ko na to, bakit nde ko pa binuksan ang pinto at ako ay tuluyan ng tumakbong palayo.
Ubos na ang alak, amats ko ay unti unti ng nawawala, teka lang seryoso ako, maglalakad na lang ako patungo sa kamalayan ko. Akala ko papayag ka na, nde pa din pala, pakiusap ko ay pinagsawalang bahala pinaharurot mo pa ang iyong auto, “kumapit ka” yan ang sinambit mo. Pakay mo hindi ko malaman, kalooban ko ay sadyang tuluyang pinapasakitan. Tama na nasusuka pa din ako, pababain mo na ako yan ang pagsamo ko!!!
Gasolina mo ba ay hindi nauubos? Kamay at paa mo ba ay hindi pa nagkakapaltos? Pagod na ako sa biyaheng ito, ikaw ba, mental torture ride mo hindi pa din ba tapos? Sa iba na lang ako aangkas, kung san ang mga kasama ay joyride ang alay, hiling ko sana ay pagbigyan na, ibaba mo na ko please lang ayoko na!!!
Nais mang bumaba tuloy-tuloy pa rin
Nais mang pigilan hayaan ng hanapin
Saan ‘to patutungo daang bako-bako
Ayoko ng ganito biyaheng impiyerno
0 Responses to “Mental Torture Ride”