Kung hindi man tayo hanggang dulo
Wag mong kalimutan
Nandito lang ako
Laging umaalalay
Di ako lalayo
Dahil ang tanging panalangin ko ay ikaw
-Kundiman, Silent Sanctuary-
Maugong ang sabi sabi na ako at si misty ay ililipat ng ibang team, ayokong lumisan sa piling ng mga errorista, sa piling ng ERR. Tulad ng sabi ko, pag ako umalis ng ERR, mawawala na ko sa Maersk. Totoo un, at gagawin ko un. Pero napalitan ng saya at nawaglit ang mga planong resignation ng malapit na ang napipintong ERR outing. Naganap, natapos at nilisan ang Tagaytay, bumalik sa dati ang lahat.
Isang linggo na din ang nakalipas ng ako at ang lupon ng errorista ay umakyat sa Tagaytay at Batangas. Pababa noon ng Caleruega ng pinatugtog ni Karen ang “kundiman.” Natuwa at na-LSS ako sa kanta at hanggang ngaun tumutugtog sya sa utak ko.
Karen, Para kang asukal
Sintamis mong magmamahal
Misty, Para kang pintura
Buhay ko ikaw ang nagpinta
Art at Manong Aaron, Para kang unan
Pinapainit mo ang aking tyan
Ate Mafz, Para kang kumot
Na yumayakap sa tuwing ako’y nalulungkot
Kaya’t wag magtataka
Kung bakit ayaw kitang mawala
Si amo, si ate mafz, may kanya kanyang ibinigay sa amin nung gabi ng sabado, napaisip ako, I need something to offer them back, not because they have given me something but because I want to show them how much I appreciate the existence of ERR in my life. Nagkakainglishan na, kaya sisimulan ko na ang tunay kong pakay…
Rule #1 (Bawal kumain sa loob ng innova)
Sabado ng umaga umalis ako ng bahay ng may tuwa at excitement sa buhay… Yes!!! First official outing ng ERR, sa tuwa ko, naiwan ko ang mga bagay bagay… (Me and my not-so-reliable memory) Nag half day si Misty, Kulang sa tulog si Art, Lumuwas ule si ate Mafel at GY si Karen. Pumunta ako kela amo, dinaanan ang tropa sa Ortigas and off we go to The South!!! Hindi pa nakakalayo, naglabas si Karen ng crackers, nag react si amo..hahaha (remember rule no. 1) We had fun while on our way to Tagaytay, tamang sound trip and kulitan (hindi masungit si amo, ayos!)…
Fungus a.k.a Kabute
When we arrived at Tagaytay proper, we stopped and ate at Mushroom Burger, nanlibre si Ate Mafz!!! Habang umoorder ang mga magulang namin, naglaro muna ang mga bata. Ang saya maglaro sa playground (Thanks Art sa effort, nanghingi ka pa kay Karen ng tulong sa see-saw!!!) Sino ba nag-rice at may baon pang extra rice?? After eating our late breakfast (wala akong picture), we already headed to Caleruega.
Cheese palaman sa tasty… Riverboat…
Kung gaano kasungit ang panahon, sya ding lupit ng malubak na daan. Ika nga nila, there is no easy way out..hahaha Masaya pa din ang lahat, kahit malakas ang ulan, tumuloy kami sa Caleruega, at presto, maaraw sa aming destinasyon!!! (God loves wonderful people talaga) Nagsaya, nagpicturan (10shots kung 10shots), nagkulitan, nag asaran, at lumabas ang mga knock knock jokes (naubusan ako dun)… May mga sangang bumagsak, may mga batang nakapayong ng pang matanda. Salamat sa mabigat na tripod ni amo, kami ay magkakasama sa iisang litrato… eto na siguro ang pinaka masayang parte ng aming lakad… hindi na sana natapos….
SM Bonus feat. Caramel Sundae
Nag-grocery at nakilala namin ang latest endorser ng SM Bonus. Bigas, Mayo, Tubig name it SM Bonus have it (SM bonus ang sagot sa kahirapan). Ang mga bata ginawang playground ang savemore..hehehe Bumili ng orig na choc nut at bumili si amo ng lollies… (asan na kaya un ngaun??) Bumili ng must haves, nakalimutan ang tinapay at skyflakes, bumili ng alak, nakalimutan ang salt and pepper… naglista pa ko noh??? Nanlibre si amo ng caramel sundae, and guess what, we broke the first rule, pumayag sya kumain kami ng ice cream sa car nya… ^_^
Pineapple Hill (Rule #2, bawal mag usap ng tungkol sa work, NAKAMAMATAY!!!)
We arrived 1300hrs in Piña Colina Resort (sa wakas!!!) nag unload ng gamit sa aming mga studio rooms and nagbonding with matching gitara sa studio 1… ng hindi na nakatiis, nagluto ng late lunch, nag ihaw ang mga ihaw boys at nagpreview ng inuming pambata. Kulitan, kwentuhan, kantahan, kainan, at lumangoy, pinulikat sa malamig at mainsektong pool (habang si Karen ay tulog)… Masaya at maaliwalas na gabi, habang nakangiti ang mga bituin sa langit… Nag gitara, asaran, kumain ng cheesestick, inuman at nang sumakit ang mata, natulog ang lahat ng Masaya(sana).
Pahabol, buhay pa ang lahat ng errorista pagkatapos ng gabi…. nobody broke the 2nd rule…
Adobo rice + hotdogs
Kung gaano kakulimlim ang langit ganoon din ang mood ng lahat… Gumising akong ang lahat animo’y tulog pa. Nag ayos ng kaunti, nag emote sa porch, naglibot at pagbalik may frustrated na magbukas ng kalan. Kumain ng breakfast tumunganga, lumipat ng lugar, tumunganga ule… balik sa baba, nag sound trip at aming napag alaman mula sa isang reliable source na wala na si JET PANGAN!!!huhu Naligo, nag impake, nagtataka bakit tila ba lahat ay stunned… nakita nyo ba si BTM??
Umuwe, nagkanya kanya. Tanda nyo pa ba ang lahat?? Isang linggo pa lang ang nakakalipas.. Kay bilis ng oras pag masaya ka. Kay bilis ng oras pagkasama mo ang tropa. Tapos na ang lakad na isang buwan na pinlano. Ang excel file, ang mga PA, mga ala ala na lamang na kay sarap balikan. Balik tayo ng tagaytay. Langhapin natin ang hamog habang umiinom naman ng kape…
Kailangan ko na naman harapin ang katotohanan, kakausapin pa nga pala ako ng manager, tapos na ang ligaya, kailangan ko na ule mag isip… hinding hindi ako lalayo sa ERR, sa team na aming sinimulan. In accordance to the prophecy, ERRorista rocks!!!
Bahala na, ayaw ko muna magsalita
Hayaan na muna natin ang daloy ng tadhana…


its been a week….
Bawal kumain sa Innova. Ayun lang, kakagutom na biyahe pero may stopover naman pala sa Mushroom!
Errorista ka nga tunay Sij. Maraming error (sa work ba yun?, lagi ko nababasa sa status mo eh. hehe.) Gifted ka naman! Ayun oh!
hahaha, gifted tayo.. autistic??hehehe nagreresolve kasi kami ng mga errors thats why we call ourselves an errorista… =)