Who am I, that the Lord of all the earth
Would care to know my name
Would care to feel my hurt
Who am I, that the Bright and Morning Star
Would choose to light the way
For my ever wandering heart
Who Am I, that the eyes that see my sin
Would look on me with love and watch me rise again
Who Am I, that the voice that calmed the sea
Would call out through the rain
And calm the storm in me
- Who am I? by Casting Crowns -
Ang tagal din ng huli kong binaba ang aking panulat at lumisan sa kuta ko. Saking pag gagala, ako ay kumaliwa, kumanan, minsan ding naligaw at naki angkas. Tumahimik, tumigil, nag isip, tumunganga at nag check in sa fb (CeeJay Maagma —- with no One at Kawalan, one friend likes this)
Sa aking paglalakbay may punto na ako’y nadapa, gumapang, pinilit tumayo at ng sumuko, tuluyan kong nilubog sa aking pinagkadapaan ang sarili ko. Sa puntong iyon masyado ko ng ibinaba ang sarili ko, tinignan ko na ang sitwasyon na wala ng pag asa na ako’y makabalik at muling makabangon. Masyado akong nagging kumportable, masaya sa aking kinasasadlakan at higit sa lahat naging tamad ako humanap ng paraan para makatayong muli. NAKAKAPAGOD NA!
Hanggang isang dating kakilala ang sa akin ay humanap at nakakita, kilala Niya ko, pero hindi ko Siya matandaan. Walang imik imik at ako ay sinaklolohan, itinayo, tinulungan. Ginoo sino ka ba? Saang punto ng buhay ko Ika’y aking nakilala, bakit hindi kita matandaan? Isa ka bang mabuting Estrangherong sasabay sa akin? Ngumiti at ako ay Kanya lamang niyakap. Nakipag kwentuhan ako, at ako ay kay tagal na Niyang hinahanap, kitang kita ang kaligayahan sa Kanyang mga mata habang kami ay nag uusap.
Sa piling Niya, katahimikan aking nadama, takot at lungkot ay tila napawing lahat. Kami ay muling naglakad patungo sa masukal na daan, Teka dito tayo dadaan? Ayaw mo ba sa patag at maayos na kalsada? Sambit Niya, “Iha, dito ang tamang daan, huwag kang palinlang sa kagandahan ng patag ngunit bako bakong daanan.” Nagbalik ang ala ala, Siya ang matalik kong kaibigan, ang aking Guro, ang aking bukod tanging maasahan at masasandalan.
Kami ay muling naglakad, pagod ay hindi ko na nararamdaman, hindi na ko natatakot, hindi na madilim ang paligid ko. Nagpasya kong bumalik sa aking kuta kung saan ako ay muling hahabi ng mga salaysay na dumadaloy sa kakulitan ng aking imahinasyon. Sa king pagbalik, isang puno ang nakita, nag aya akong magpahinga, Siya ay nangakong magbabantay kung ako man ay antukin ng dahil sa aking pagkahapo. Nakaidlip, nagising ang aking Kaibigan ay wala na sa king paligid, ngunit isang maiksing liham aking nakita sa aking bulsa. “Kasama mo Ako saan ka man tutungo.”
Nagpatuloy akong muli sa aking paglalakad, gabay ang mga salitang iniwan ng aking Guro. Kahit kailan hindi na ko maliligaw at sa bawat maling daan na aking malilikuan, alam kong nandyan lamang Siya upang ako ay kalabitin, sunduin, at ihatid sa aking tinatanging kuta. Makakauwe din ako, at alam kong saking pag uwe, Siya ay nandun at bukas palad na nag aantay saking muling pagdating.

Still You hear me when I’m calling
Lord, You catch me when I’m falling
And You’ve told me who I am
I am Yours, I am Yours
Whom shall I fear
‘Cause I am Yours


